✈ Must Visit Places:
💧PULANG BATO FALLS

⛵RIZAL BOULEVARD
Ang Rizal Boulevard ay isa sa mga lugar kung saan puwede ka maglakad, magjogging at manuod ng sunset. Ito ay may pagkakapareho sa Roxas Boulevard,Manila malapit din ito sa dagat at sa daungan ng mga barko. Masarap din lumangghap ng hangin dito dahil napaka sariwa at walang masyadong polusyon, mapapaligiran din ito ng mga malalaking puno. Pag pumunta ka dito ramdam mo talaga ang simoy ng hangin at matatahimik ang iyong kaisipan.
🐬MANJUYOD SANDBAR
Ang Manjuyod Sandbar ay matatagpuan sa Bais city. Maganda ang lugar na ito sa maputing sand at malinaw na tubig nito. Dito maari mo ring makita ang mga dolphin na nagsisilanguyan sa dagat.
💣NATURAL TOXIC GAS
Ang natural gas ay matatagpuan sa Valencia, madadaanan mo ito pag pumunta ka sa Pulang Bato Falls. May epekto sa ating kalusugan ang gas na ito at nakakasulasok ang amoy nito, parang bulok na itlog.
😁FREEDOM PARK
Ang Freedom Park ay isa sa magagandang parke sa Dumaguete, ito ay malaki at malinis, mapapaligiran din ito ng puno at halaman.
🍰Pagkain:
Ang budbud ay isang uri ng malakit na suman,
masarap ito ipareho sa mainit na tsokolate.
Ang Silvanas ay isa sa mga binabalik balik ng mga turisista,
dahil na rin sa sarap nito at kakaibang estilo ng pagkain.